Search This Blog

Friday, April 23, 2010

Eleksyon

It's nice to be back guys.. It's been a while since had my last blog post.. I have been busy these past few periods. This time, I would like to discuss some matters about this coming election 2010..
Sa madaling salita, di ko mapigilang pansinin ang mga tanawin tuwing panahon ng eleksyon..



Did you know that not only during holy week miracles are happening? Tama! maraming milagrong nangyayari tuwing election. Ewan ko kung napapansin nyo din ha.. pero try nyong i-validate.. eto ang ilan sa mga sa mga "milagro at Kababalaghang" sinasabi ko;

1. Nagiging kamukha ng Moon ang mga kalye natin every election period dahil sa dami ng mga hukay na ginagawa.

-Lahat kasi ng mga nakaupo ay nagsusumikap na magpagawa ng mga kalye natin para maging sikat sila pagdating ng election day mismo. Ang masama pa dun, "A Road widening project of Rep. Sahodpalad" ang nakalagay dun! Di ba nila alam na dapat ay "A Road widening project of the people of the Philippines" ang ilagay nila dun dahil galing sa mga taenang tax natin ung ginamit na pondo dun!



2. Nagkakadamit ang mga nakahubad na tao every election.

-
Paanong hndi magkakadamit ang mga yun? E sandamakmak na campaign T-shirt ang ipinamumudmod ng mga kandidato.



3. Muling nakakaboto ang mga patay.

-
Nakakakilabot. Eto ang isang evidence na may mga multo nga. Ang mabangis lang dun, e kahit bangkay na sila e nakukuha pa nilang bumoto. Tuwing eleksyon ay bumabangon sila sa kanilang mga puntod para lamang itiman ang bilog na hugis itlog..XD



4. Nababalot ang buong kamaynilaan ng mga kilala at di kilalang mukha.

-
Halos matabunan na ang buong kamaynilaan ng mga mukhang kundi nasa tarpaulin e nasa mga posters. Kung titignan mo siguro mula sa taas, baka may Photo mosaic ni satanas na mabuo ang mga walangyang kandidato(Di ko nilalahat ha.) na walang pakundangan sa pag lagay ng mga kalat. Pero pagkatapos ng eleksyon, papabayaan na lang nila yun. Parang mga toilet paper nila na pagkatapos tumae e iiwan na lang sa kung saan saan.



5. Nagbababad sa arawan ang mga pulitiko.

- Di ko lang talaga maintindihan kung bakit tuwing eleksyon ay nagiging makamasa ang mga ilang pulitiko. Kanya kanyang style yan e. Pero ang common denominator nila ay nakababad silang lahat sa initan. Oo.. Gusto nilang ipakita yung pagiging maka-masa nila. i-try kaya natin ano? ilagay natin sa gitna ng initan yung mga magiging opisina nila pag nanalo sila para malaman natin kung sincere sila .XD



6. Bawat Kanto ng mga lansangan e may concert.

-
Halos lahat ng kalye sa atin ay nagiging isang malaking dancefloor tuwing eleksyon. Taob ang mga kilalang gimikan sa dami ng mga nagpaparty sa "Miting de Avance/ Party peeps gathering" ng mga pulitiko. Sa una ayn iisipin mong isa itong miting de avance. tapos kamuka't mukatan mo e may makikita kang pulitikong sumasayaw ng iba't ibang sayaw gaya ng cha cha, El Bimbo, twist at Ocho-ocho sa saliw ng mga nakakaumay na campaign Jingle nila.



7. Nagiging at risk ang mga tao sa diabetes.

-
Bakit kamo? Simple lang po mga kabaro kong magsasaka. Dahil sa sobrang tamis ng mga pangako ng mga pulitko, halos magkadiabetes ang mga tao.



8. Bumuboto din ang mga manananggal.

-
Tama po. maging ang mga manananggal ay bumoboto din. Naging problema nga ng comelec ito. pagkatapos nilang bumoto sa isang lugar, e lilipat sila gamit ang kanilang mga "Pak pak" at muli silang boboto.



9. Nagmumukhang NBA ang kalye ng maynila.

-
Bakit kamo? E pano? Sa Dami ng kulay na makaka engkwentro mo sa kalye e iispin mong may parada ang bawat team sa NBA. Yun pala e may mga nangangampanya lang palang mga kandidato.



10. Nagiging warrior ang mga kandidato.

-
Naiisip ko ang World Wrestling Entertainment pag nakikita ko ang mga kandidatong nagsisiraan sa TV. Parang kasi silang mga wrestlers e. Matutukan lang ng mike ang bibig e parang 7-11 na ang mga bunganga nila sa kakasalita. Open 24/7. Parng The Bar. Always Open..XD


- Di ko talaga mawari kung bakit may mga ganito tuwing election. Malamang nyan ay mahihirapan ang siyensya na ipaliwanang ang mga ito..XD

-Here are only some of those miracles and superstitious events during election. If you have any more ideas, feel free to leave a comment. Thanks..


---------------------------------------------------------------

"Politics is the showbiz for ugly people".

- DJ Moe Twister