Pero may mga tao na hindi takot pagusapan ang mga bagay na ito. Gaya ko at ng mga kaibigan ko.. Madalas ay isa ito sa mga mabebentang topic sa kuwentuhan nmen.. pero hindi ito naeelaborate masyado dahil may aura ng morbidity pa din pag ito na yung topic.. pero para sa akin, reality to e.. hindi dapat iniiwasan.. at hindi dapat kinatatakutan.
Maraming ways para mamatay ang isang tao.. nandyan yung disease, accident, suicide at marami pang iba… pero anu ba talga ang pumapatay sa tao? sakit? aksidente? bala? droga? mali… ang isa sa mga sagot ay depression.. hindi man directly connected pero may malaking kinalaman ito sa takbo ng buhay ng tao..
Madalas nyan pag nakakaramdam tayo ng kalungkutan ay naiisip natin na mamatay… ako, personally, aminado ako… minsan parang ang sarap mamatay… katunayan nga e may last will na ako… eto ang ilan sa mga mahahalaga:
1. Gusto ko na nandun ang lahat ng mga kaibigan ko sa libing ko(kahit wag na sa burol dahil wala akong pampakape.. haha!)
2. Gusto ko ay naka plain white t-shirt at black pants lang ako pag isinuot na ako sa ataol..(ganyan din kasi yung suot ng tropa ko nung madeds sya.. and i find it fashionable… S.L.N. Raul..)
3. Gusto ko nakasara yung ataol ko… hindi open for public viewing..(wow.. celebrity ka?..)
4. Kung may iiwan akong mga ariarian, malaki man o maliit ang halaga ay dapat mabahagian lahat ng mga kaibigan ko at magulang ko…(haha!! yaman mo dong!)
5. At kung maaari ay ilibing nyo ako dun sa lugar na pwedeng makalimutan ng tao pag tagal tagal ng panahon… yung tipong parang hindi ako nag exist..
6. Sa burol ko dapat may tugtugan.. halimbawa, kung 3 araw yung burol, 3 araw din ang tugtugan… parang Woodstock.. Hahaha!!
7. Ang Kanta sa libing ko ay dapat surrounded by dream theater…
8. Ipagdasal nyo sana yung kaluluwa ko.. hehehe..
9. Kung sakali, sana ipagpatuloy ng mga tropa q ung sinimulan namin..(Alam na nila yun..)
10. Gusto kong dumalaw si Alodia sa burol ko kahit isag gabi lang.. hahaha!
Ayun… ito yung mga ilan sa mga last will ko… hehehe.. Mahirap nga nman mamatay.. lalo na kung maaga pa at marami ka pang balak gawin sa buhay mo… o kaya ay nasa peak ka ng life mo kung saan lahat ng positive na bagay ay nangyayari sayo… masakit tlga yun.. At mas masakit yun sa mga iiwan mo.. dahil bukod sa mga gagastusin nila para madispacha yung karne mo ay makakadama sila ng matinding lungkot… Pero kung ako ang tatanungin, dapat hindi kinatatakutan ang kamatayn, dahil part yan ng reality.. kahit lumalak ka pa ng vitamis at kung anu ano pa e hindi mo matatakasan yan..
And we all know that we can run from reality.. But surely we can’t escape…†
----------------------------------------------------------------
"We are born with two incurable diseases, life, from which we die, and hope, which says maybe death isn't the end".
- Andrew Greeley
